Lumipat na po tayo.
Punta na lang sa uzeliserio.blogspot.com.
Punta na lang sa uzeliserio.blogspot.com.
“Ang Iyong mga Iniwan” - Rebyu ng Ang Diyos ng Maliliit na Bagay ni Arundhati Roy, salin ni Monico Atienza.
Iclick ito para basahin ang sanaysay.
“Cristina, Usap Tayo” - Rebyu ng Over a Cup of Ginger Tea ni Cristina Pantoja-Hidalgo.
Iclick ito para basahin ang buong sanaysay.
“Ang Isa at ang Marami” - Rebyu ng Tayong Dalawa.
Karitas at Damaso - Isang musical. Pagsasadula ng banal na soneto ni John Donne, kung saan nagsasalita ang isang makasalanan, na tumatawag sa Diyos, at ang katapusang linya’y: “[I am] never chaste lest you ravish me.” Eksaminasyon ng papel ng pananampalataya sa ating mga ideya hinggil sa sex, pag-ibig at tungkulin.
Iclick ito para basahin ang buong dula.
Si Nigang - Ang dulang ito ay tungkol sa pag-ibig, panggagahasa at sinigang. Literal na tungkol sa pag-ibig, panggagagahasa at sinigang, ang mga bida’y nagngangalang Pag-ibig, Boy Rapist, Serial Rapist at Nigang. Isang bayan sa Bicol ang lulan ng kwento, bayang biktima ng tagutom. Anak si Nigang ni Manong Carinderia, ang may-ari ng tanging bukas na carinderia sa bayan, na sa ubod ng mahal ng binebentang pagkain ay walang tumatangkilik. Iniibig ni Nigang ang maginoong si Jesus, ngunit haharang sa kanilang pagmamahalan ang mayamang si Boy Rapist, na kinokontra si Manong Carinderia na ipagpalit si Nigang para sa pera.
Isa sa paborito kong sci-fi archetypes ang Time Loop. Andaming halimbawa sa Wikipedia tungkol dito, pero ang paborito ko ay ‘yung sa Stargate SG-1. Iniwan kasi dun ni McGyver ang militar para pwedeng maging sila ni Magnus.
Malamang sa malamang hindi ko napanood ‘tong Groundhog Day noong bata ako, pero nasa utak ko ‘yung eksena kung saan nagpasagasa si Bill Murray sa trak. Siguro trailer ang napanood ko.
O sige, wala na lang komento tungkol sa mga suso ni Rita
Pero pramis ang ganda n’ya rito. Kaya siguro nainlab si Bill sa kanya. Siguro kasi inlab din ako kay Elaine, at pareho silang may long wavy hair.
Kaya ko sa wakas dinownload ‘to ay dahil sa isang nagcomment na ang paborito n’yang eksena ay ‘yung pinagdrive ni Bill si Phil, ‘yung groundhog. Ang paborito ko naman, nung pinapatunayan ni Bill kay Rita na s’ya ay (isang) diyos. Tsaka syempre ‘yung mga pagsubok n’ya sa pagpapakamatay (kasaman na nga y’ung pagpapadrive n’ya kay Phil). Tsaka syempre nung ginamit n’ya ang loop para sa kasamaan.
Kung ako ang mastuck sa loop, bukod sa pagnanakaw ay papatay ako nang paulit-ulit.
Mabagal
Tulad ng maraming pelikula mula sa nakaraan, mabagal ang simula nito. Sabagay, mabagal din naman ‘yung sa SG-1. At ‘yun, recent tv show ‘yon, walang excuse.
Sa isang pag-aaral kay Nietzsche na kasama sa Routledge Critical Thinkers, na panget, nasuri ang pelikulang ‘to in relation sa eternal recurrence of the same. Hinollywood daw ang konsepto, kasi sa dulo nawasak ni Bill ang siklo. ‘Yun lang ang bahagi ng pag-aaral na ‘yon na mahusay, kasi nga baduy ang pagdating ng ikatlo ng Pebrero. Kung ako ang gagawa ng pelikula, kahit sa wakas ay minahal na nang tunay ni Bill si Rita, stuck pa rin s’ya sa loop. At patuloy n’ya itong mamahalin, at ‘yun ang tunay na pagmamahal.
Kongk
Madaling tumawa pag bitter ka. Pero feeling ko naman hindi lang sa dahil naghahanap ako ng saya sa mga panahon na ‘to kaya ko nagustuhan ang pelikulang ‘to. Ang sarap kayang imajining paulit-ulit mong pinapatay ‘yung nanakit sa ‘yo.
Hay naku, ba’t di ko ‘to pinanood sa sinehan. SOBRANG nakakatawa. Cute pa ng mga mata nung babae. Alam mo nang cute ang isang babae pag hindi suso n’ya ang pinansin ko.
Pero, sakali lang may duda, kung papipiliin sa pagitan ng suso at mata…
Rules
May nobela si Max Brooks na World War Z, tsaka isa pang librong may pamagat na The Zombie Survival Guide. Akala ko tuloy based sa mga ito ‘tong movie, kaya panay ang hintay ko sa opening at closing credits sa “based on the books.” Hindi pala. Ang paborito kong rule ay #32: Enjoy the little things in life.
Bukod sa katatawanan, gusto ko rin ang patayan sa pelikulang ito. Lalo na ‘yung stuck si Cute Mata at Little Sister dun sa ride na taas-baba lang. Tsaka ‘yung nilock ni Cowboy ‘yung sarili n’ya sa booth tas pinatay n’ya lahat ng sumugod sa kanya.
Gusto ko rin ‘yung pagpatay ni Columbus kay Bill Murray, at ‘yung pagtawa ni Cute Mata sa kanilang sitwasyon.
Pantasya
Pantasya ko ang tumira sa isang zombie infested na mundo. Sa totoo lang, iyon naman ang tingin ko na sa paligid ko ngayon. Meron din akong set of rules, iba syempre sa kay Columbus kasi wala naman akong baril.
Ang problema sa pelikula, pagkatapos mapatay ni Columbus si Bill, medyo bumagsak na. Pinilit pa kasing runner si Cute Mata e, imbes na magkaroon na lang ng siege sa mansyon ni Bill Murray. Hari ng kabaduyan naman talaga ‘yung halikan nila sa dulo, anlayo sa kahusayan ng pagdadrugs sina CM, CW at CB sa may gitna.
Kongk
Sana nga may sequel. Sana siege sa mansyon, at hindi sa karnabal. Sana may patayin silang ulit na artista.
P.S. Si Cute Mata rin pala ‘yung crush ko sa The House Bunny. Mahal ko na s’ya.